Friday, September 10, 2010

Tungkol sa tunay na pag-ibig (About true love)
by Chloe Nina Ballesteros on Monday, August 30, 2010 at 11:14pm


Isang araw, nakakwentuhan ko sa wall ko ang mga tao tungkol sa tunay na pag-ibig...

Di lahat ng nakikita, totoo at di lahat ng di nakikita, di totoo. Tingnan mo, di mo nakikitang mahal kita, pero totoo 'yun!

Bakit ba minsan sinasabi ng mga tao na mali ang magmahal, e wala namang mali doon, mali lang siguro kung oobligahin mo 'yung taong mahal mo na mahalin ka rin. Ang sarap kaya ng nagmamahal! It's the thing that makes us all human!

'Di naman kailangan na palaging ipagsigawan ang pagmamahal. There's beauty in silence, in a muted love affair. 'Yung kayo lang. Pasasaan ba, kung true love 'yan, eventually, you both will be set free. There's always a way, basta tamang timing lang...

Hindi ba 'yung totoong pagibig ay malaya. Unconditional. The kind that makes us do everything we can for them without asking anything in return. 'Yung mapabuti lang sila, ayos na. 'Yung masaya lang sila, ayos na. May kilala akong ganon, and their love lasted forever... =) My Lola Puring and Lolo Chung. =)

Ang tunay na pag-ibig ay dalisay, malaya, at maganda. Kung dahil kamo sa 'yong nararamdama'y sumasama ang 'yong ugali, magnilay-nilay. 'Di na 'yan matatawag na pag-ibig...

True love is pure, free and beautiful. If what you feel is turning you into a monster, think about it. That can't be love...

--- ganda talaga ng Tagalog

From my Facebook Notes Page

No comments:

Post a Comment