Wow, how come I haven't thought of that? Yeah, what if the time comes when he finally finds someone real to spend the rest of his life with? What will happen to me all alone? What am I thinking? I'm not a robot. I will definitely be broken when the time comes.
Kasi naman bakit ba di ako matauhan? Bakit ba pinipilit ko ang isang bagay na imposible namang mangyari? Ang kulit ko! Ang tigas ng ulo ko! 'Pag inuntog ko naman ang ulo ko sa pader ng makailang ulit, wala namang mangyayari bukod sa malamang na brain damage o kaya naman sakit ng ulo. Ayos lang sana kung kasabay ng pananakit ng katawan, matatauhan na ako at titigil na sa katangahang 'to.
Sabi ng mga tao sa paligid ko, ako lang naman ang bobong nagpapahirap sa sarili ko. Pero 'pag pinapakiramdaman ko naman ang sarili ko, nararamdaman ko naman na masaya ako kapag kasama ko s'ya. So, in fairness naman sa Sarili ko, di naman ako masokista. Ginagawa ko lang 'yung ginagawa ko kasi somehow masaya din naman ako dun. 'Yun nga lang, pagkatapos mapapaisip ako. At 'yun na, nagsi-sink in na sa 'kin kung ga'no kamiserable 'tong sitwasyon ko.
Dati, gusto ko sana magkahiwalay na lang kami ng landas. Dati ang naisip kong solusyon para matigil na 'ko ay 'yun nga sanang mag-goodbye na kami sa isa't isa, as in wala nang kahit anong mode of communication. Mahirap naman pala, kasi nga magkaibigan kami. So, 'di din nag-work. Mahirap sirain ang isang pagkakaibigan nang wala naman talagang kongkretong dahilan. Wala naman kaming maaamin na problema talaga. 'Di ko din naman kinayang komprontahin s'ya tungkol sa problemang ako lang naman ang nakakaramdam. Unfair naman na bigla na lang akong mang-iwan. Sa madaling sabi tuloy ang weird naming friendship.
Mas naging komplikado na ngayon. Kasi naman ako, matigas ang ulo, hopeless romantic, dreamer. Ayan tuloy nasasaktan na 'ko ngayon. Akala ko hindi aabot sa ganito. Kasi naman, sino ba'ng niloloko ko? Natural masasaktan talaga ako in the long run. So, pa'no na 'ko ngayon?
Alam ko naman na importante din ako sa kanya kahit paano. Sa ngayon nand'yan lang siya. Pero 'di naman palaging nand'yan lang s'ya. Mawawala din s'ya eventually. At ngayon ko lang 'to naiisip. Pa'no na ko pagdating ng time na 'yun?
No comments:
Post a Comment